Advertisers
TALIWAS sa paratang ng ilang grupo, detalyado ang transmission charges na ipinapataw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) batay sa mga bayaring makikita sa electric bill ng mga konsyumer.
Sa mismong paliwanag ng NGCP, kabilang sa charges na ito ay ang delivery at balancing ng high-voltage electricity mula sa generators patungong distribution utilities, na kungsaan sinisiguro nitong may sapat na supply ng kuryente sa buong bansa.
Batay sa detalye ng NGCP, sa kabuuan ng electricity bill, 3.5 porsiyento nito ay napupunta sa transmission charge na nangangahulugan na sa bawat pisong nagagastos sa konsumo, ang konsyumer ay may kontribusyon na P0.04 para sa transmission charge.
Basahin ang mas kompletong talaan:
Distribution charge – 19.12 %
Ancilliary Services – 1.54 %
Transmission Charge – 3.5 %
Generation Charge – 56.19 %
Others – 19.65 %
Ang generation charge, na siyang pinakamalaking bahagi ng bayarin, ay ang halaga ng produksiyon ng kuryente. Habang ang transmission charge ay ginagamit para sa paghahatid (delivery) ng kuryente.
Ayon sa NGCP, ang transmission charge ay para sa delivery at balancing high-voltage ng kuryente mula sa mga generator papunta sa mga distribution utility.
Kabilang sa transmission charge ang power delivery charge, system operator charge, metering service provider charges, connection at residual subtransmission charges.
Ang lahat ng nabanggit ay may kinalaman sa paghahatid ng kuryente mula sa grid at sa mga distribution utility.
Samantala, ang ancilliary services charge ay pass-through fee na kinukulekta ng grid operators at ipinapasa o ipinadala sa service providers.
Inilabas ng NGCP itong breakdown ng mga binabayaran ng mga konsyumer bilang tugon ng ahensiya, partikular na sa mga tanong ng Senado, sa kung ano nga ba ang sinisingil o kung saan napupunta ang ibinabayad ng mga konsyumer.
Mula pa noong 2009 ay madalas matanong ang NGCP ukol sa mga sinisingil sa konsyumer at gayundin sa mga hindi pa natatapos na proyekto nito.
Bilang pangunahing haligi ng power transmission system sa bansa, ang NGCP ay may mandato na siguraduhing may sapat na supply at tuloy tuloy na daloy ng kuryente mula sa generators papuntang distribution utilities.
Matatandaang sa naunang pahayag, sinabi ng NGCP na naglabas ito ng P300 billion para mapalawig at mapalakas ang transmission system sa bansa na kungsaan din ay napababa nito ang bayarin para sa transmission charges kumpara noong hawak pa ito ng gobyerno.