Advertisers
BALIK sa winning track si Jerwin Ancajas Sabado,(Linggo sa Manila) matapos pabagsakin si Wilner Soto ng Colombia sa kanilang super-bantamweight bout sa The Armory sa Minneapolis, Minnesota.
Ang 31-anyos dating world champion ay nagpakawala ng malalakas na body shots upang lumohod ang karibal na colombian sa 21 segundong nalalabi sa fifth round. Tinigil ni Referee Charlie Fitch ang laban at iginawad ang knockout victory sa Filipino bet matapos muling bumagsak si Soto sa ikalawang pagkakataon.
Dahil sa panalo ay umangat ang rekord ni Ancajas sa 34-3-2 na may 23 knockouts na bumangon mula sa kambal na pagkatalo laban sa kasalukuyang champion Fernando Daniel Martinez nakaraang taon.
Nakalinya rin siya sa title shot sa susunod.
Habang si Soto, ay nalasap ang kanyang pitong sunod-sunod na pagkatalo at nalaglag sa 22-13-12 KO’s.
Ito ang unang pagkakataon ni Ancajas na sumabak sa 122lbs matapos halos ubusin ang kanyang career sa 115 lbs kung saan siya naging IBF champion sa mahabang panahon.