Advertisers

Advertisers

Jail office ng BJMP nagpaputok sa bar: 1 patay

0 163

Advertisers

NASAWI ang isang construction worker nang mabaril ng miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isang bar sa Barangay Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Roger Dela Cruz, 31, ng Barangay Bonfal West, sa nasabing bayan. At ang salarin ay si JO1 Kevin Mark Allaga, 26, nakatalaga sa Tiger Hill Ifugao District Jail.

Ayon kay Nueva Vizcaya Police Provincial Office information officer, Captain Paul Pawid, bago ang insidente, nakikipag-inuman sa bar si Allaga kasama ang dalawang estudyante na edad 22 at 20.



Sinabi ni Pawid, na biglang nagkaroon ng kaguluhan na humantong sa suntukan sa pagitan ng grupo ni Allaga at isa pang grupo.

Nagsimula ang kaguluhan dahil lang sa napulot na “pulbos” ng isa sa mga kasamahan ng jail officer na itinatapon sa ibang grupo na nag-iinuman din.

Ayon sa pulisya, paglabas ng pangkat ni Allaga, inilabas ng jail officer ang kanyang .9mm pistol service firearm at pinaputok, na tumama sa biktima.

Tumakas si Allaga. pero ilang oras ang nakakaraan ay sumuko ito sa pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">