Advertisers

Advertisers

Mister nagselos sa text, pinatay si Misis

0 151

Advertisers

ANIM na saksak sa katawan ang tumapos sa isang ginang nang pagsasaksakin ng selosong mister matapos magtalo sa text messages sa Manolo Fortich, Bukidnon noong Huwebes.

Dead on the spot si Mylene Socorin, 48 anyos, dahil sa tinamong mga saksak, habang kusang loob na sumuko ang mister na si Nestor Socorin, 58.

Sa ulat ni Manolo Fortich Bukidnon Municipal Police Station chief investigator Staff Sgt. Jemuel Tampan, naganap ang krimen 9:00 ng umaga sa bahay ng mag-asawa sa Purok 5, Barangay Lindaban ng nasabing bayan.



Nag-ugat ang insidente nang mabasa ng mister ng ilang text messages galing sa ibang lalaki sa cellphone ng kanyang misis, dahilan ng kanilang pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng mister.

Nang mapatay ang misis, hinintay ng mister ang pagdating ng mga pulis at kusa itong sumuko gayundin ang ginamit na patalim.

Paliwanag ng salarin, nagdilim ang kanyang isip dahil sa selos.