Advertisers

Advertisers

Pulis buking nagbebenta ng armas online

0 173

Advertisers

HINAHANTING ngayon ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group-Rizal ang isang pulis na sangkot sa pagbebenta ng mga matataas na armas, habang nadakip ang dalawang kasabwat nito sa Marikina city.

Kinilala ni Major Leopoldo Cajipe, hepe ng CIDG-Rizal, ang pulis na si Corporal Carmelo Frias, nakatalaga sa Marikina Police Station-1, habang ang dalawang kasabwat niya na nadakip ay sina Jeffrey Dimaano at Joey España.

Sinabi ni Cajipe, nabuko aktibidades ng mga suspek sa pagbebenta ng mga iligal na armas sa social media.



Naglatag ng operasyon ang mga operatiba ng CIDG laban sa mga suspek, at nagkasundo ang mga ito na magbentahan sa isang firing range sa naturang lungsod.

Inihatid lamang ni Frias ang dalawa nitong kasama sa firing range, ibinaba ang mga armas, saka mabilis na umalis.

Sa gitna ng transaksyon, nakatunog ang isa sa mga suspek na pulis ang kanilang kausap kaya nagtangka itong tumakas, pero kaagad sila sinunggaban ng operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang isang submachine gun, 2 baril, mga bala at magazines. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">