Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis at kabit na inireklamo sa media nag-suicide

0 352

Advertisers

NAGPAKAMATAY ang isang pulis sa loob ng kanyang opisina nang mapatay nito ang kanyang kalaguyo sa Talisay city, Cebu.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lieutenant Praxilo Albiso, 51-anyos, deputy chief ng Talisay City Police; at kanyang karelasyon na Vernice Cardin, 31.
Sa ulat, nagbaril sa ulo si Albiso matapos barilin at mapatay nito ang kanyang karelasyon na si Cardin sa loob ng Police Community Precinct (PCP) nitong Martes ng umaga, Oktubre 20.
Ayon sa pahayag ng mga saksi, walang naganap na komosyon sa loob ng opisina ni Lt. Albiso. Bigla nalang anilang umalingawngaw ang apat sunod-sunod na putok ng baril. At nang pasukin ang opisina ng hepe, bumulaga ang bangkay nina Albiso at Cardin na naliligo sa sariling dugo.
Sinasabing may personal na problema si Lt. Albiso. Hindi na idinetalye kung ano ito.
Napag-alaman na ipinagharap ng reklamo sina Lt. Albiso at Cardino ng mister ng babae na isang seaman sa programa ni Raffy Tulfo pitong buwan na ang nakararaan dahil sa alegasyong mayroong relasyon ang mga ito.
Sinabi ng asawa ni Cardino kay Tulfo na ang kanyang anak ang nagsabi sa kanya hinggil sa pakikipagrelasyon ng kanyang misis sa pulis na may asawa narin.
Ayon pa sa seaman, buntis ang kanyang misis at duda siya kung sa kanya ang pinagbubuntis nito.
Nagtapos ang broadcast, na mapapanood sa YouTube na hindi napakinggan ang panig nina Cardino at Albiso.