Advertisers

Advertisers

Jollibee, Mang Inasal, ChowKing, atbp, pasok sa Pahayag survey

0 111

Advertisers

INALAM ng Pahayag 2023-Q2 survey ang damdamin at kagustuhan ng mga Filipino consumer pagdating sa iba’t ibang Filipino brands sa pamilihan. Ang survey, kasama ang mga tugon mula sa iba’t ibang grupo na nakilahok, na layong sukatin ang emotional connection at pagkakaugnay na mayroon ang Filipino brands tungo sa tiyak na industriya.

Ipinakita sa survey na 31 Filipino Restaurant at Fast Food Chain brands, lumitaw na Jollibee ang tinangkilik na brand sa 74% habang nakuha ng Mang Inasal ang ikalawang pwesto na 31% endearment score, malapit na sumunod ang Chowking sa 20%. Ang Chooks-to-Go at Red Ribbon kapwa umiskor ng 13%, habang ang Goldilocks at Greenwich ay tumanggap ng 10% endearment ratings. Ang Shakey’s Pizza at Mister Donut ay umiskor ng 8% at 4%, respectively.

Samantala, ang Purefoods ang lumabas na tinangkilik na food brand sa iskor na 40% endearment rating. Nakuha naman ng Datu-Puti ang ikalawang pwesto sa 25%, habang pinagsaluhan ng Century Tuna at Selecta ang ikatlong pwesto sa 23% endearment scores.



Umiskor ang Magnolia ng 17% rating, sumunod ang San Miguel Beer sa 15%. Ang CDO Meat Products, San Marino, at Tanduay ay tumanggap ng endearment scores na 14%, 7%, at 4%, respectively.

Sa 14 Filipino brands na sinuri sa kalusugan at personal care category, Pinangunahan ng Mercury Drug sa kahangahangang iskor na 67% endearment score. Nakuha naman ng Watson at UNILAB ang ikalawa at ikatlong pwesto na 51% at 27% endearment ratings, respectively.

Kinilala rin ang Bench Body and Bath sa iskor na 8% endearment score. Sa telecommunications services category, Mahigpit na pinaglabanan ng Globe at PLDT/Smart para sa supremacy, bahagyang umungos ang Globe sa 65% endearment rating, malapit na kasunod ang PLDT/Smart sa 61%. DITO, isang bagong player sa industriya, tumanggap ng modest endearment rating na 16% subalit may tsansa para sa paglago in terms of purchase and endearment.

Sa 13 Miscellaneous Services Filipino Brands, nangibabaw ang SM Supermalls ang pinaka-tinatangkilik na supermarket at mall chain; sumunod ang Puregold sa 28% at Robinson’s sa 21%. Bilang karagdagan, napanatili ng National Bookstore ang pinakatinatangkilik na bookstore/school supplies chain sa kabila ng pagputok ng pandemiya ng Covid 19. Isa sa TV networks, ang GMA-7 ang mas tinatangkilik na TV network, sa iskor na 28% endearment rating, sumunod ang ABS-CBN at TV5 sa ratings na 21% at 10% respectively. Sa 12 Filipino financial services, GCash ang nanguna bilang clear leader sa financial services category, kumopo ng kahangahangang 80% endearment rating para sa digital financial services. Pumangalawa ang Maya (PayMaya) sa iskor na 22% endearment rating, sumunod ang BDO-Unibank at BPI sa 19%.

Kinilala rin ang Metrobank na may 11% endearment rating. Pagdating sa trust rating, ang GCash ang mas pinagtitiwalang financial service brand sa 57%, sumunod ang Maya (PayMaya) sa 26%, BDO-Unibank at Bank of the Philippine Islands (BPI) ay kapwa nagtabla sa 24% at Metrobank sa 17%. Mayorya naman ng Filipino voters ang nagpakita na hindi nakaranas na gamitin ang ibang financial services.



Naipamalas sa survey findings ang significance of emotional connections at consumer sentiment sa tagumpay ng Filipino brands. Ang mga brands na nakakuha ng pinakamataas sa survey ay nagpapakita lamang ng kanilang kakayahan na magtatag ng malalim na kaugnayan sa mga consumers, nakukuha ang kanilang tiwala at katapatan sa pinakamataas na kompetensya sa pamilihan.

Ang Pahayag 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ay isang independent at non-commisaioned survey na isinagawa ng PUBLICUS Asia Inc. sa pagitan ng 7-12 June 2023. Ito ay isang nationwide purposive survey na may 1,500 respondents randomly drawn mula sa isang market research panel sa mahigit 200,000 Filipino na napanatili ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may isang multinational presence na respondents, at distributed across five geographical area: National Capital Region (NCR), North Central Luzon (NCL), South Luzon (SL), Visayas and Mindanao. Tanging ang mga registered Filipino voters lamang ang kasama sa sample, upang matiyak na ang kalalabasan ng resulta ay tama sa damdamin ng voting population.