Advertisers

Advertisers

50 BAGONG OTS PERSONNEL, KARAGDAGANG ‘WORKFORCE’ SA NAIA TERMINALS

0 106

Advertisers

LIMAMPUNG bagong Security Screening Officers (SSO) mula sa Office of Transportation Security (OTS) ang itatalaga ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals bilang karagdagang ‘workforce’ sa naturang ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi ng tagapagsalita ng OTS na si Kim Marquez na nagsagawa ng contract signing ceremony ang OTS at nilagdaan ang kontrata noong Miyerkules (Hulyo 5 ) na nagpapahiwatig ng pagsisimula ng isang mahalagang partnership na naglalayong higit pang palakasin ang mga hakbang sa seguridad ng civil aviation sector.

Ang mga bagong natanggap na SSO ay gaganap ng mahalagang papel sa pag-iingat sa mga pasahero at pagtiyak ng maayos at secure na screening operations sa mga paliparan sa bansa. Ang pagpirma ng kontrata ay dapat bigyang halaga nang magkabilang partido sa ibinahaging layunin ng pagpapahusay ng civil aviation security.



Malugod na binati ni OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca ang mga bagong personnel ng OTS, na nagpapahayag ng kanyang kumpiyansa na ang ‘new breed’ ng OTS SSO ay magiging mahusay sa kanilang mga tungkulin bilang mga public servants at katuwang sa transport security.

“To our new members, you know, you are joining the Office for Transportation Security in a very crucial time. Because our office is implementing a transformation initiative. Ibig sabihin, marami tayong ginagawang pagbabago sa ating opisina. I say crucial, because you will be part of the new breed members of this organization.” ani Usec Aplasca



Idinagdag pa niya na ang bagong uniporme ng OTS SSO, ay nagpapahiwatig ng pagbabagong inisyatiba na ipinatutupad ng OTS.

Kasunod ng pagpirma ng kontrata, ang mga bagong OTS personnel ay magsisimula ng intensive theoretical at practical training na magbibigay sa kanila ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman upang mabisang gampanan ang kanilang mga tungkulin.



Ang training modules ay sumasaklaw sa mga kritikal na lugar sa security screening operations katulad ng passenger and baggage screening techniques, threat detection at emergency response procedures.

Sa pagtatapos ng kanilang pagsasanay, ang mga opisyal na ito ay ipapakalat sa mga security screening checkpoints ng Ninoy Aquino International Airport Terminals 1, 2, 3 & 4 na magpapatibay sa security measures nito. (JOJO SADIWA)