Advertisers
ARESTADO ang isang construction worker nang ireklamo ng ‘statutory rape’ sa 9-anyos na paslit sa San Andres Bukid, Maynila, Linggo ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ng MPD Sta. Ana Police Station (PS6), kinilala ang salarin na si Jefferson Ocenar, 35 anyos, construction worker at nakatira sa 1664 Onyx Street, Brgy. 775, San Andres Bukid
Sinamahan ang biktima ng kanyang ama upang maghain ng reklamo sa pulisya.
Nangyari ang insidente 3:00 ng madaling araw sa loob ng bahay, kungsaan kamag-anak ng biktima ang salarin.
Ayon sa imbestigasyon, gumawa ng malaswang pagnanasa ang suspek sa paslit. Hinawakan nito ang maseselang bahagi ng bata at nagawa pang ipasok ang daliri sa ari nito habang nakahiga sa kwarto para matulog.
Ipinaalam ng biktima sa kanyang magulang ang pangyayari kaya agad silang humingi ng tulong sa Dagonoy PCP, nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Jocelyn Domenden)