Advertisers

Advertisers

2 tiklo sa pekeng gold bar

0 230

Advertisers

ARESTADO ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng pekeng gold bar sa Pasay City.
Kinilala ang mga inaresto na sina Michael Yanson at Joven Bulalacao, kapwa ng Villamor Air Base Village, Pasay City.
Ayon kay Pasay City Police Station deputy chief for Investigation Lt. Dennis Desalisa, naaresto ang mga suspek sa entrapment operation sa Mc Donalds, New Port City, Villamor, Pasay.
Sinabi ng biktimang si Herminigildo Besana, noong Oktubre 8 ay inalok siyang bentahan ng mga suspek ng isang gold bar na nagkakahalaga ng P7 milyon.
Kinumbinsi si Besana ng mga suspek na kung magbibigay ng paunang bayad na P200,000 ay ipagkakatiwala sa kanya ang gold bar.
Dahil walang cash ng mga oras na iyon, nakipagkasundo sa mga suspek ang biktima na makipagkita na lamang sa Oktubre 20 at magbilihan.
Pero bago dumating ang napagkasunduang petsa ay humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima kaya ikinasa ang isang entrapment operation, nadakma ang mga suspek.
Nahaharap sa kasong swindling at estafa ang mga suspek. (Gaynor Bonilla)