Advertisers

Advertisers

Pwersa ng NPA ubos na – AFP spox

0 120

Advertisers

INIULAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes (January 10, 2023) na ang natitirang pwersa ng New People’s Army (NPA), ang armadong unit ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF), ay sumadsad sa 1,800 na lamang mula 24,000 noong kalagitnaan ng dekada 80, at kasalukuyang iisa na lamang na guerilla front sa Northern Samar.

“Indeed, we have achieved strategic victory as far as countering the communist insurgency is concerned,” sabi ni AFP spokesman Colonel Medel Aguilar sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nauna rito, sinabi ni AFP Chief of Staff, General Andres Centino, matapos ang kanilang command conference noong isang linggo sa Camp Aguinaldo, ang Sandatahang Lakas ay mag-iiba na ng focus mula sa internal security operations (ISO) papunta sa external defense operations (IDO).



Sa 1,800 NPA, ang 400 ayon kay Aguilar ay tukoy na nahaharap sa mga kasong kriminal at ngayon ay target ng mga “focused military operations.”

Dagdag pa niya, ang mga tukoy na nalalabi pang NPA ay humahawak ng matataas na posisyon CPP-NPA-NDF, kaya nakakapag-utos pa sa kanilang mga kadre na huwag susuko, upang di mapahiya. Kailangan aniya na mabigyan sila ng “graceful exit.”



Sa nagdaang mga raw at mga buwan, 600 NPA ang kung ‘di man napatay sa mga enkwentro ay mga nagsisuko na, lalong nagpabawas sa bilang nila na 2,400 noong 2008. Kaya ang military operations ay nakatuon ngayon sa Northern Samar.

Ang paglalansag sa ‘politico-military structure’ ng CPP-NPA-NDF ang sentro ngayon ng AFP upang makamtam ang “total victory.”



Ito raw ay makakamtan kung ang CPP-NPA ay ‘di na kayang mang-api pang muli sa ating mga kababayan sa mga kanayunan.

“Now, this also calls for the clearing of all affected barangays or even those threatened to make sure that when this shift are focused to the territorial defense operation (TDO), there will be no ISO problem to look back and by that…we expect that with the guidance and direction given by the President that we will be moving for you will be shifting to TDO. All of us are united towards that purpose,” paliwanag pa ni Aguilar.

Subali’t, ayon kay Aguilar, ang AFP ay ‘di parin nakakalimot sa mandatory nito na panatiliin ang mapayapang pamamaraang para tapusin ang matagal nang suliranin sa insureksiyon na ninanais din ni Pangulong Bong Bong Marcos.

“Amnesty is one way to end the insurgents,” sabi ni Aguilar.

Nguni’t para sa mga NPA, tanging rekomendasyon ng AFP official ay sumuko na upang mapabuti ang lahat.