Advertisers

Advertisers

P150m shabu huli sa Cebu

0 209

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P150 million ang shabu na nasamsam sa isang drug pusher sa buy- bust operation sa Lapu Lapu City.
Kinilala ang nadakip na tulak na si Gilbert Fuensalida Lumanog, 30, ng Barangay Busay, Cebu City.
Sa ulat, kabilang si Lumanog sa high value target ng PRO 7 at miyembro ng ‘Titing Laurenciana Drug Group’ na nag-o-operate ng iligal na droga sa Metro Cebu at Cebu Province.
Ayon kay BGen Albert Ignatius D. Ferro, Regional Director PRO7, 4:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na elemento ng PRO7 Regional Drug Enforcement Unit, Lapu Lapu City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Unit Regional Office VII sa Sitio Lawis, Brgy. Suba-Basbas, Lapu-Lapu City.
Nakumpiska sa suspek ang may 23 pakete ng shabu na nakabalot o nakalagay bawat isa sa Chinese Tea packaging na may timbang na 22 kilos na nagkakahalaga ng P150,280,000.
(Mark Obleada)