Advertisers
NAKATAKDANG magsagawa ng tatlong araw na tigil pasada ang ilang transport group na kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ayon kay Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA) national president Mar Valbuena, ang transport strike ay gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Hulyo 26.
Ihahatid ni Marcos ang kanyang ikalawang SONA sa Hulyo 24 ngayong taon.
Ayon sa ulat, ang mga kalahok sa tigil pasada, ay magmumula sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.
Pahayag ng MANIBELA, mayroong humigit-kumulang 3,000 miyembro, na ang ibang mga lalawigan ay nagpahayag din ng interes na sumali sa transport holiday.