Advertisers
NAGPAHAYAG si Pope Francis ng kanyang suporta para isulong ang pagsasama ng parehas na kasarian o ang same-sex couples.
Sinabi nito na ang mga taong homosexual ay may karapatan din sa pamilya dahil sila ay anak din ng Diyos.
Aniya, hindi dapat silang ipagtabuyan o sila ay kutyain.
Kailangan lamang na gumawa ng civil union law kung saan sila ay magiging legal.
Ito ang unang pagkakataon na direktang pinaboran ng Santo Papa ang same-sex couples.
Isinagawa nito ang pahayag sa bagong documentary film na “Francesco” na inilabas sa Roma.
Isa lamang aniyang alternatibo ang same-sex civil unions na binabalangkas ngayon sa Argentina ang pagsasa-ligal ng same-sex marriage. (Josephine Patricio)