Advertisers

Advertisers

P1m reward sa ‘hitman’ ng dating bise-alkalde

0 99

Advertisers

NAGLAAN ng P1 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Rajah Buayan sa sinuman makahuli sa pumatay sa dating bise alkalde nitong nakaraan linggo sa Maguindanao del Sur.

Ito ang inihayag ni Rajah Buayan Mayor Bai Maruja Ampatuan Mastura nitong Martes sa ika-pitong araw ng pagluluksa “Taz’ziyah” ng dating vice mayor na si Bai Jinn Utto Lumenda.

Sinabi ng alkalde na ang pabuya ay ibibigay sa sinumang makapagbigay ng impormasyon o makahuli sa salarin.



Naniniwala ang kaanak ng biktima na pulitika ang motibo sa pananambang sa biktima dahil nagpahayag ang dating alkalde na tatakbo bilang barangay chairman sa darating na October barangay elections. Nabatid na ikakasal na ang biktima sa kanyang kasintahan sa December.

Matatandaan na noong Hulyo 12, bandang 1:00 ng hapon habang minamaneho ni Lumenda ang kanilang pickup truck ( ABC-6348) kasama ang kanyang amang si Datu Jonathan Lumenda nang pagdating sa Barangay Pingguiaman, Lambayong, Sultan Kudarat ay tinambangan sila ng armadong grupo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa sunud-sunod na pananambang sa nasabing lugar na hanggang ngayon ay walang nareresolba sa mga kaso.