Advertisers

Advertisers

Maynila, kinilala ng Anti-Red Tape Authority – Mayora Honey

0 122

Advertisers

NANGAKO si Manila Mayor Honey Lacuna na ipagpapatuloy ang mga paraan upang ipakita na ang pamahalaang lungsod ay nangangalaga at nagpapahalaga sa kanilang mga taxpayers at stakeholders.

Nanawagan ang alkalde sa lahat ng mga kinauukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan na tulungan ang kanyang administrasyon na panatilihin ang estado nito sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nagbigay sa pamahalaang lungsod ng certificate of commendation para sa matagumpay na paglalagay sa kaayusan at mabilis na proseso ng mga business permits at licenses.

Ang pagkilala ay iginawad para sa episyenteng maintenance ng electronic business one-stop-shop (E-Boss) alinsunod sa mandated Ease of Doing Business and Efficient Delivery Act of 2018.



“Kinilala rin ang ating E-Boss ng ARISE Awards o ang Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency. Patunay na ang ating pamahalaan ay patuloy na naghahain ng de-kalidad at episyenteng serbisyo publiko. Ito ang ilan sa payak na pagkalinga at pagpapahalaga natin sa ating mga stakeholders at taxpayers,” sabi ni Lacuna.

Minsan pa, ay ibinigay ni Lacuna ang pagkilalang inani ng kanyang administrasyon sa suporta at tulong na nagmula sa kanyang mga kapwa manggagawa sa lokal na pamahalaan, maging ito man ay opisyal o rank-and-file na kawani.

Ang kabisera ng bansa, ayon kay Lacuna ay nanguna sa Cities and Municipalities Competitiveness Index para sa Infrastructure bilang Highly- Urbanized City at pumangalawa sa Overall Most Competitive Highly Urbanized City.

Sinabi ni Lacuna na ang lungsod ay ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Services’ at pumangalawa bilang ‘Best in eGovernance Business Empowerment’ sa Digital Governance Awards.

Dagdag pa dito ay sinabi ng alkalde na : “Sa pagpapanatili natin ng maayos, bukas at may pananagutan sa pagpapatupad ng mataas na pamantayan sa Accounting at Auditing, gayundin sa pagsunod natin sa Full Disclosure Policy, ay muling nakapasa ang Maynila sa Good Financial Housekeeping Assessment ng DILG-NCR.”



“Layunin nating maipagpatuloy ang pagsusulong ng competitiveness at economic growth. Ipinapakita ng ating lungsod ang pagkakaroon ng bukas na oportunidad para sa paglago na magbibigay ng benepisyo sa mga Manilenyo at sa buong bansa,” dagdag pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)