Advertisers

Advertisers

Alan at PHISGOC!

0 206

Advertisers

Ngayong hindi na si Alan Peter Cayetano ang lord sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay marapat na imbestigahan na ang kontrobersyal na Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na siya ang pinuno.

Noong bago at habang dinaraos ang 2019 SEA Games ay nagturan ang noo’yn Speaker Cayetano na handa siya sa isang probe

ng ginastang pondo para sa palaro sa rehiyon. Hiniling lang niya na tapusin na muna ang mga laro bago suriin kung saan napunta ang kwarta na galing sa pribado at pampublikong mga sektor.



Kaso 10 buwan na mahigit ang nakalipas ay walang na-sked na kahit hearing sa Batasan sa Lungsod Quezon.

Inabutan na nga ng pagpapatalsik sa poder ng kapatid ni Sen Pia. Kailangan mag-umpisa na pagdinig dito.

Wala naman dapat katakutan, kung walang paglustay ng pera.

Eka nga ni Ka Berong ay oras na para lumabas ang buong katotohanan hinggil sa isyu kasama ang P50M na kaldero ni Cayetano.

“Kung maayos ang pamamalakad nila at walang tongpats na naganap ay hindi sila dapat mangamba,” wika ni Kaka.



Siyempre ang pwedeng depensa ng kampo ng asawa ni Cong. Lani ng Taguig ay paghihiganti ito ng grupo ng bagong hepe ng House of Representatives.

Ayon naman kay Pepeng Kirat na mismong mga taga Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission

(PSC) ay maraming katanungan na naghihintay ng mga kasagutan sa diumano’y maanomalyang transakyon ng ahensya.

Basta lilitaw dito ang truth and nothing but the truth. Makikita ng taong bayang ang ebidensya ng dalawang panig.

Hala! Game na!

***

5-0 na ang TNT sa PBA bubble sa Clark. Tila sila ang nagiging paborito na makaabot sa dulo bukod sa Barangay Ginebra na 4-0 naman ang kartada.

Maganda kasi ipinakikita ng core nilang sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Poy Erram, Ray Parks Jr at Troy Rosario. Mukhang yaka nila mag-all the way sa finals basta’t walang magkaka-injury sa mga bida ng Tropang Giga.

Inaasahan naman na ang GinKings ang magiging mahigpit nilang karibal sa Finals. Lalo pa kung makabalik sa koponan si Greg Slaughter, ang sentro na hindi pa nakakapirma sa prangkisa ng bagong kontrata.

Yung dating 3-0 gaya ng TNT at Ginebra na Rain Or Shine ay naungusan na ng Alaska noong huling laban nila.

***

Sa apat na laro ng Meralco sa Philippine Cup ay steady ang game ng rookie na si Aaron Black. Kahit medyo naiilang ang kaisa-isang anak na lalake ni Coach Norman Black ay nakapagpapamalas ito ng husay sa loob ng court.

Sabi nga ni Tata Selo ay mukhang mas mag-excel ang batang Black sa PBA kaysa noong nasa Ateneo Blue Eagles pa ito.

Yan kasi mga problema na ang ama ang bench tactician ng iyong team. Medyo may hesitation ipasok ng tatay. Ganoon din naman sa anak na atubili bumuslo. Ganyan situwasyon noong 70s kina Lauro at Larry Mumar sa Reddy Kilowatts at sa Uncolas sa MICAA.