Advertisers

Advertisers

LOLANG TINAPON SA ILALIM NG TULAY AT ISKO, MULING NAGKITA

0 312

Advertisers

NATATANDAAN nyo pa ba si Legicia Tan, ang 76-anyos na lola na nag-viral ang larawan sa social media may ilang buwan na ang nakalipas nang itapon sa ilalim ng McArthur bridge, sa Sta. Cruz, Manila?

Siya at si Manila Mayor Isko Moreno ay nagkaroon ng masayang pagkakikita nang harapan makaraang bisitahin ng alkalde at ng kanyang anak na si Joaquin ang Home for the Aged (Luwalhati ng Maynila) sa Boys Town Complex sa Parang, Marikina bilang bahagi ng kanilang advanced birthday celebration. Parehong sinilang ng October 24 sina Moreno na 46-anyos na ngayon habang ang kanyang celebrity-son ay 19-anyos naman.

Marikina ang una sa listahan ng mga institusyong pangkawanggawa na binisita ng mag-amang nagdiriwang ng kanilang kaarawan na nagdala din ng ng mga pagkain para sa mga wards ng bata at matatanda.



Sina Vice Mayor Honey Lacuna, ang kanang kamay ni Moreno na si Weng Santiago at hepe ng Social Welfare Department na si Re Fugoso ay sinamahan ang mga birthday celebrators sa bawat institusyon at tumulong din sa pamimigay ng pagkain sa mga ito.

Si Fugoso, na siyang namuno sa koordinasyon at superbisyon ay nagsabi na kapwa tuwang-tuwa sina Moreno at Tan sa kanilang naging personal na pagkikita na kaunahan mula ng kunin siya ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) sa ilalim ng McArthur Bridge sa pangunguna chief Maj. Jhun Ibay.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Moreno na labis niyang ikinagagalak ang pagkikita nilang dalawa ni Tan na nasa malusog na kundisyon at aktibong nakikilahok sa mga gawain na hinanda ng mga home staff para sa birthday celebration nila ng kanyang anak na si Joaquin.

Matatandaan na si Tan ay itinapon ng kanyang kaanak sa ilalim ng nabanggit na tulay dahil hindi na aniya kayang alagaan ang 76-anyos na lola. Ang kaanak ni Tan at dalawang iba pa ay kinasuhan sa utos ni Moreno at inatasan si Fugoso dalhin si Tan sa pangangalaga ng pamahalaang lokal.

Ayon kay Fugoso, si Tan ay unang dinala sa Canonigo covered court at inilipat sa Boys Town may dalawang linggo na ang nakakaraan.



“Lola Legicia, malusog ka na ah. Mas maganda dito kesa sa ilalim ng tulay ‘no?” sabi ni Moreno kay Lola Legicia na labis na napaluha at pinasalamatan ang alkalde at si Fugoso sa pagbuhos ng kanilang suporta.

Sina Moreno at anak na si Joaquin ay nagpalipat-lipat sa mga institusyon at nagdala rin ng mga pagkain na kinabibilangan ng two-piece chicken with rice, drinks, cookies, cake at ice cream.
Ang mga institusyong binisita ng mag-amang celebrators ay tahanan ng mga unwanted, abandoned, neglected, orphaned at homeless children at elderly. (ANDI GARCIA)