Advertisers

Advertisers

P45.9-M HALAGA NG SHABU NASABAT SA NAIA WAREHOUSE

0 89

Advertisers

HINDI na naman nakalusot sa mga alertong tauhan ng Bureau of Customs -POrt of NAIA ang higit sa 45 milyon pisong halaga ng ‘shabu’ na itinago sa isang abandonadong parcel mula sa warehouse na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lungsod ng Pasay.

Batay sa inisyal report ng BOC-Port of NAIA, ang nasabing parcel na idineklarang African Cultura ay pinadala ng isang Michael Mobida ng 28 Krombek Street, Van Reibeek BIR, Kempton Park, Johannesburg, South Africa.

Ang shipment ay nakapangalan kay Wilbert Dee, residente ng 289 E. Rodriguez Sr. Avenue, Cathedra, Manila,Philippines



Nadiskubre ng Customs authority at NAIA PDEA-IADITG ang laman ng parcel nang idaan ito sa initial inspection sa pamamagitan ng x-ray machine kung saan nagduda agad ang customs examiner sa mga bundle ng assorted fabric placemats, pillow case at blankets, 6 plastic pouches ng nuts at 3 plastic pouches of pumpkin seeds kung saan nakasilid ang 6.750 kgs na hinihinalang shabu na may street value na aabot sa PhP45,900,000.00

Ang illegal drugs ay isinalin sa pangangasiwa ng NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">