Advertisers

Advertisers

84 BARANGAY SA BATANGAS ‘DI NABIGYAN NG P200K DAHIL LAMANG SA TAMPO?

0 3

Advertisers

Ayun sa mga pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa mga interview ng media at sa mga apektadong kapitan ng barangay, ang sinasabing dahilan kaya hindi nabigyan ng P200k ayuda mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 84 na Barangay sa lalawigan ng Batangas ay ang “tampo” diumano ni Gobernadora Vilma Santos-Recto na may kinalaman sa pulitika na pagkakahanay noong nakaraang halalan noong Mayo 2025—bagama’t hindi pa ito direktang kinukumpirma o pinatutunayan ng mismong gobernadora.

“Ang gusto kasi nila, magmano at sumipsip ka sa kanila” ani Cong. Leandro Leviste

Marami diumano sa mga kapitan ng barangay ang hindi nagbigay ng suporta sa kampanya ni Ate V. para sa kanyang muling pagkakaupo bilang gobernador, pati na rin sa kanyang anak na si Luis Manzano na tumakbo at di-nanalo bilang bise-gobernador ng lalawigan.

Ang iba pa raw sa kanila ay hayagang sumuporta sa mga kandidato at pangkat na itinuturing na kalaban ng pamilyang Santos-Recto sa pulitika.

Dahil dito, sinasabing nagkaroon siya ng hindi magandang damdamin o tampo, kaya ayon sa ulat, hindi isinama ang kanilang mga nasasakupan sa pamamahagi ng tulong na nagkakahalaga ng ?200,000 bawat barangay mula sa programa ng pamahalaang nasyunal.

Sa ngayon, nananatili itong alegasyon at pahayag mula sa kabilang panig; wala pang opisyal na paliwanag o tugon mula sa tanggapan ni Gob. Vilma Santos-Recto tungkol sa sinasabing dahilan ng kanyang pagtatampo.

May mga ulat na handa raw tumestigo sa Kongreso ang 84 na barangay captains sa Batangas matapos umanong hindi makatanggap ng tig-P200,000 ayuda mula sa programang “Bawat Barangay Makikinabang” ni Pangulong Bongbong Marcos, ayon kay Congressman Leandro Leviste.

Ayon sa kanila, kumpleto ang requirements pero hindi sila inimbitahan sa event. Itinanggi rin nila na pinigilan sila ni Cong Leviste.

Samantala, aabonohan muna ng kongresista ang ayuda habang hinihiling ang imbestigasyon sa umano’y diskriminasyon.

Tutukan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com