Advertisers
NATAPOS din ang matagal nang pagpapanggap ng dalawang tindero ng isda nang mahuli ang mga ito sa bitag nang mabistong shabu ang inilalako sa Malabon City.
Sa mahigit isang linggong pagmamanman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon-PNP, nabisto ang iligal na aktibidad nina Allan Almario, 42 anyos, ng 1st St., Brgy. Tañong; at Michael Bonan, 43, ng Camia St., Brgy Maysilo, nang makarating sa kinauukulan ang impormasyon na hindi isda ang inilalako ng mga ito kundi iligal na droga.
Nasamsam sa dalawa ang 21.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P145,520.00. (Beth Samson)