Advertisers

Advertisers

Potential tsunami o lindol ibinabala… ‘PINAS LULUBOG SA TUBIG AT BASURA

0 91

Advertisers

NAMEMELIGRONG malubog sa basura ang Pilipinas.

Ito’y matapos isiwalat ng pamahalaan na lumilikha ang bansa ng 61,000 metriko toneladang basura kada araw.

Sa press briefing sa Malakanyang, ibinabala ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga na 20 porsyento sa mga basurang ito ay mga plastic waste.



Nangangahulugan, ayon kay Loyzaga, na gumagamit ang mga Pilipino ng mahigit 160 milyong sachet packets, 40 milyong shopping bags at thin film bags bawat araw.

Sinabi ni Loyzaga na sa kasalukuyan ay sinisikap ng DENR na hindi mapupunta sa marine areas at mga coastal areas ng bansa ang lahat ng basurang ito.



Dahil dito, sinabi ng opisyal na mahalagang iprayoridad ang pagsasagawa ng reprocessed at repurposed dahil ang mga ito ay may economic value.

Inihalimbawa ni Loyzaga ang pag-aaral ng World Bank (WB) na nagsasaad na 70 porsyentong material value ang nalilikha mula sa plastic waste kung saan sinasabing kumikita ito ng 790 hanggang 890 milyong dolyar bawat taon.



Samantala, ibinabala rin ng DENR official na ang pinangangambahang “the big one” ay kabilang sa mga ikinu-konsidera sa nagpapatuloy na Manila Bay reclamation project.

Aniya, sakaling mangyari ang big one o ang mapaminsalang paggalaw ng west valley fault na maaaring magdulot ng malakas na lindol ay namemeligrong mahati ang Kalakhang Maynila sa apat na parte at kabilang sa mga mahihiwalay sa mainland ang coastal areas na nakaharap sa look”.

Maliban dito, ibinabala rin ni Loyzaga ang “potential tsunami” na maaaring idulot ng malakas na lindol na nanganganib namang makaapekto sa nakaumang na proyekto. (Gilbert Perdez)