Advertisers

Advertisers

2 pulis ‘di ini-report ang nakuhang nawawalang wallet ng pasahero sa NAIA

0 127

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ngayon ang dalawang airport police nang mabisto sa CCTV camera na nakuha nila ang nawawalang pitaka ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero hindi nila ipinagbigay-alam sa kinauukulan.

Sa ulat, galing ng Bangkok, Thailand ang pasahero nang maiwan nito sa arrival area ng NAIA Terminal 3 ang kaniyang pitaka noong July 19.

Bumalik sa airport ang pasahero July 21 para alamin kung sino ang nakakuha ng kaniyang pitaka.
“Accordingly in the CCTV, nakita na hawak-hawak nitong dalawang pulis itong pouch na ito,” ayon kay Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-Avseg) acting director Jack Wanky.



Ipinatawag ang dalawang pulis, na kapwa may ranggong patrolman, upang pagpaliwanagin tungkol sa hinahanap na pitaka.

Naibalik naman sa pasahero ang pitaka at walang nawala sa mga laman nito. Sa kabila nito, nagpasya ang PNP-Avseg na ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil hindi ini-report ng dalawang pulis ang kanilang napulot.



Dinis-armahan ang dalawang pulis at nasa ilalim ng restrictive custody habang isinasagawa ang imbestigasyon.

“Kung mapapatunayan na may kasalanan sila it would be a good development kasi matatanggal sila kasi hindi sila nararapat diyan,” ani Wanky.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">