Advertisers

Advertisers

Dolomite Beach napuno ng basura

0 152

Advertisers

MATAPOS ang ilang araw na pag-ulan dahil sa bagyo at habagat, natambakan ng basura ang kontrobersiyal na Dolomite Beach sa Roxas Blvd. sa Maynila.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Estero Ranger ng Department of Environment and Natural Resources.

Tumutulong din sa paglilinis ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Pasay.



Ayon sa MMDA, iba’t ibang klase ng basura ang nahahakot nila sa paglilinis lalo ng Bagyong Egay kungsaan may nakuha pa silang troso at mga kawayan na galing sa ibang palaisdaan.

Kabilang sa mga basura na nahakot sa beach ang plastic bottles, styro, mga plastic na pinaglagyan ng shampoo, diaper at iba pa.



Umaabot sa 400 sako ang nakuhang basura, bukod pa sa mga sako-sakong nahakot ng Estero Ranger at iba’t ibang volunteers. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">