Advertisers
PATAY ang isang prison guard nang barilin ng isang bilanggo sa loob ng Laguna Provincial Jail sa Sta. Cruz, Laguna, Miyerkoles ng umaga.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jonathan Sombilla Buenviaje, 50 anyos, Prison Guard I, residente ng Barangay Maulawin, Pagsanjan, Laguna.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagbabantay sa Dorm 1 ng Provincial Jail ang biktima nang biglang agawan ng baril ng preso na si Romnick Balbaran Estadilla at pinagbabaril.
Agad naman rumesponde ang isa pang jail guard at binaril ang preso, nagresulta sa pagkasugat nito.
Kapwa isinugod sa ospital sina Buenviaje at Estadilla, pero idineklarang dead on arrival ang jailguard.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng insidente.