Advertisers
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na aaprubahan ng Kamara de Representantes ang panuakalang P5.768-trillion 2024 national budget bago ang inaasahang October congressional break.
Ang pahayag ay ginawa ni house speaker bilang pangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa taongbayan sa pormal na pagsusumite ng Prersident’s budget proposal sa isang seremonya na ginanap sa Kamara na dinaluhan ng mga opisyal at chamber sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. and Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, ilang mambabatas at mga opisyal Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Sec. Amenah Pangandaman.
“Let me assure everyone that the House of the People understands full well the need to pass the national budget on time. The national budget is crucial in maintaining economic stability, sustaining the country’s growth trajectory and facilitating the seamless implementation of government programs and projects. As such, it demands the House’s utmost attention and commitment,” ani Speaker Romualdez.
Isasagawa ang deliberasyon sa budget sa pamamaraan ng madaling nauunawaan o transparent bukod pa sa pagkuha ng malawak na concensus para sa wastong paggamit sa nasabing budget.
“We will make sure that every centavo of the national budget will be spent wisely and contribute to our goal of reigniting the fires of our economic forges. Sisiguruhin namin dito sa Kongreso na lahat ng buwis na ibinayad ng ating mamamayan ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno. Bawat pisong naidagdag sa kaban ng bayan, mapapakinabangan ng taumbayan,” paliwanag ni Romualdez.
Kompiyansa si House Speaker Romualdez na ang partisipasyon at kooperasyon ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso at mga opisyal ng DBM at iba pang mga ahensya ay sama-samang hihimayin at bubusisiin kaugnay sa deliberasyon ng 2024 national budget bago pa sila aniya mag-recess ngayong buwan ng Oktubre.
Pinunto rin ng lider ng Kamara na ang pambansang budget ay blueprint umano bilang prayoridad ng mga gastusin ng gobyerno.
“Dito nakasaad kung paano maibabalik sa taumbayan ang buwis na kanilang pinagpaguran, kasama ng iba pang revenue sources, sa pamamagitan ng mga importanteng proyekto, programa at serbisyong pangkaunlaran,” saad ni house speaker.
Sa susunod na taon, kabilang sa mga prayoridad ng administrasyon ay ang food security; reduction of transport, logistics costs and energy costs; arresting learning losses; health and social protection; improving bureaucratic efficiency: at sound fiscal management.
Bukod pa rito, may impormasyon natanggap si Romualdez na kabilang sa panukalang budget na mapondohan bilang suporta sa isyu ng climate change initiativessa Pilipinas, local government empowerment at pagtaguyod ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Pinapurihan din ni Romualdez ang Pangulo kaugnay ng pagsumite nito ng panukalang budget sa DBM walong araw matapos ang pagsisimula ng second regular session ng Kongreso nitong Lunes.
“Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng sapat na panahon para pag-aralan ang proposal ng Executive Department. Dahil sa maagang pagtanggap ng 2024 budget proposal, asahan ninyo na magiging mabilis din ang aksyon ng Kongreso para maipasa ang budget sa lalong madaling panahon,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (Henry Padilla)