Advertisers

Advertisers

PBA: NorthPort wagi vs TerraFirma

0 174

Advertisers

Laro Ngayon
AUF Gym
(4:00PM) Phoenix vs NLEX
(6:45PM) NorthPort vs TNT

KUMAMADA si Christian Standhardinger ng 23 points, habang si Kelly Nabong nagdagdag ng 18 upang buhatin ang NorthPort sa kanilang unang tagumpay sa loob ng bubble laban sa minamalas na TerraFirma Dyip sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.
Ang Batang Pier ay 107-96 kontra Dyip, na binura ang 25 points ni CJ Perez.
Kasabwat ni Nabong si Renz Subido na nagpaulan ng 4 staright 3-pointers para sa Batang Pier at hindi na lumingon pa para ikandado ang panalo laban sa TerraFirma.
“We can’t go down 0-5 and we’ve gotta come out with energy and aggressiveness, and that’s what we did,” wika ni Nabong.
Sinabi ni NorthPort coach Pido Jarencio na ang kanilang panalo ay welcome development para sa Batang Pier, habang wala si Sean Anthony dahil sa injury.
“Iyong mga bata gusto nang manalo at ayaw ma-5-0. Madaming nag-step up, and it’s a morale-boosting win for us,” Tugon ni Jarencio.
“We’re down to an 11-strong team. Actually, 10-strong nga lang since Kevin (Ferrer) is playing injured. Pero talagang nag-step up sila.”
Dahil sa panalo ang NorthPort ay may rekord na 1-4,habang ang TerreFirma ay nanatiling winless in 4 games.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">