Advertisers

Advertisers

Sa 2024 proposed budget… SEN. GO: UNAHIN, PROGRAMA SA MAHIHIRAP, KALUSUGAN

0 100

Advertisers

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na suportado niya ang isinumite sa Kongreso na National Expenditure Program para sa taong 2024 ngunit ipinaalala niya sa gobyerno na unahin ang mga programa para sa mahihirap at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa bansa.

Ang iminungkahing badyet para sa 2024 ay target na tiyakin ang isang “future-proof at sustainable economy” na may diin sa pagbangon mula sa epekto ng pandemya, ayon sa Department of Budget and Management.

Sa panayam matapos umasiste sa mahihirap na mamamayan sa Caloocan City, idinetalye ni Go ang kanyang “vision” para sa badyet at ang proseso nito sa legislatura.



“Tutulong po ako sa Senado ‘pag dumating na po sa amin. Mauuna ang House of Representatives na mag-scrutinize, mauuna sila na mag-hearing, mauuna po sila na tingnan kung ano ang dapat nilang i-realign.

Pagkatapos po niyan ay sa amin na po sa Senado,” paliwanag ni Go.

Sinabi ni Go na ang palagi niyang prayoridad ay ang mahihirap sa pagsasabing… “rest assured po na uunahin ko po ‘yung makatutulong sa mga mahihirap, pro-poor programs ang mga uunahin ko po. Dapat po’y walang magutom.”

Aniya, dapat ay matulungan ang mahihirap at ilapit sa kanila ang serbisyong medikal ng gobyerno.

“Huwag na ‘yung sila pa ang lalapit sa atin para magmakaawang humingi ng tulong. Tulungan natin ang mga mahihirap, ‘yung mga helpless, hopeless na umaasa sa gobyerno, sila po ang dapat unahin,” ayon kay Go.



Binigyang-diin ni Go, tagapangulo ng Senate committee on health, ang pangangailangan ding pahusayin ang healthcare system kaya bilang vice-chair ng committee on finance, sinabi ng senador na isusulong niya ang pagsasaayos nito.

Ang 2024 budget, na nagkakahalagang P5.768 trilyon, ay tumaas ng 9.5 percent mula sa P5.268-trillion na budget para sa 2023.

Ang sektor ng edukasyon ay inaasahang makakukuha ng pinakamalaking bahagi sa P924.7 bilyon, kasunod ng public works na P822 bilyon.