Advertisers

Advertisers

CRISPAnatics na FANtastik!

0 386

Advertisers

Bago pa magkaroon ng GinebraNation ay may diehard na mga tagahanga ng basketball na tinaguriang Crispanatics.

Talagang bawa’t laban ng Redmanizers ay nasa mga venue sila ng PBA. Ke Araneta Coliseum sa Cubao, QC o ULTRA sa Pasig ay sama-sama silang nagtsi-cheer kina Atoy Co, Philip Cezar, Bogs Adornado at mga kakampi. Binuboo rin nila ang karibal na Toyota at kung sino man ang katunggali sa hardcourt ng mga idol nila sa prangkisa ng mga Floro.

Tinatankilik din nila ang mga sports magazine kung cover sina Fortune Cookie at mga team mate. Gayon din mabenta sa kanila ang mga black and white na mga larawan ng mga player ni Coach Baby Dalupan.



May kilala nga tayong isa na pangalan ay Doray na may koleksyon ng mga letrato at newspaper clippings nina Bogs. Hangaang ngayon ay iniingatan pa niya ito.

“Priceless ito sa akin,” eka ng Bulakenya na paris ng mga paborito ay may mga apo na rin ngayon.

Nitong araw may meet and greet sa Hobby Stadium sa E. Rodriguez cor Doña Hemady, New Manila na inihanda ng Crispa. Pwede mag-pre order ng mga jersey nina Orig Tapal King at mga kasama upang papirmahan sa kanila mismo. P3,500 isang set at available sa tatlong kulay. Kalahati ng proceeds ay mapupunta sa PBA Legends Foundation.

Sayang wala sa Pinas ang iba tulad ni Abet Guidaben na nasa Amerika na naninirahan.

Ang Crispa ay hango sa mga pangalan ng mga may-ari na sina Crisanta at Pablo Floro, na mga magulang ng team owner na si Danny.



Oo, may retail branch ang Crispa noong 70s sa Buendia halos kanto ng Ayala. Nasa ibabaw ng naturang tindahan ang malaking neon sign na naging landmark ng lugar. Palatandaan din ng mga mananakay ng jeepney at bus stop doon. Mercury Drug at Tropical Hut na ang gumagamit sa puwesto ng factory outlet ng mga Floro

***

Ayon kay Pepeng Kirat ay nakasabay niya sa hotel ang ilang hockey team sa Dublin habang nagbabakasyon doon. Sa Castleknock Hotel ay nandoon ang grupo mismo ng mga Irish. Assigned pa sa kanila ang function room na Castle Suite. Sa Clayton Hotel naman ay billeted ang Team Italy. Kalahok sila pareho sa 2023 Men’s Euro Hockey Championship II na ginanap sa National Sports Campus sa Ireland noong isang linggo

***

Makabuti kaya sa Gilas Pilipinas ang tila word war sa pagitan ni Coach Chot Reyes at sa kampo ni Kai Sotto? Kulang na sa isang buwan ang preparasyon ng koponan para sa World Cup kaya marahil pressured ang head coach na ihayag na kailangan ni Sotto magpraktis sa team para ma-earn ang mga minuto sa loob ng court.

Ang 7-footer na Pinoy naman nagka-back injury sa huling game niya sa NBA Summer League para sa Orlando kaya humihingi ng kaunti pang panahon upang makadalo ng 100% sa ensayo.

Hindi na rin sasali sa China trip ang anak ni Ervin.

Sana mag-heal agad ang iniinda ni Kai at nang hindi na lumaki pa ang gap nila ng kanyang head coach.