Advertisers
TINADTAD ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang bakla nang makipagtalo sa lalaking nakainuman nito sa Cavite City nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima ns si Jerwin Mapalo Ishii, 36, OFW at residente ng 1064 Cabuco St. Barangay 36A Caridad, Cavite City.
Naaresto naman ang salarin na nakilalang si George Basa Delos Santos Jr., 26, binata, mangingisda at nakatira naman sa 1359 Bagong Purok St. Brgy 36M Caridad, Cavite City.
Base sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Jerry Corpuz, 3:00 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa kuwarto ng bahay ng salarin sa nasabing lugar.
Nag-iinuman umano ang dalawa nang magtalo hanggang sa pagsasaksakin ni Delos Santos ang biktima.
Dakong 6:30 ng umaga nang magtungo naman ang tiyuhin ni Delos Santos sa pulisya at ini-report ang ginawa ng pamangkin kaya agad na nagtungo ang mga aworidad sa lugar at kusa naman umanong sumuko ang salarin na ngayo’y nahaharap sa kaukulang kaso.(Irine Gascon)