Advertisers

Advertisers

Pilipinas uutang ng higit P2-trilyon para pondohan ang portion ng 2024 nat’l budget

0 111

Advertisers

NAKATAKDANG umutang ang gobyerno ng Pilipinas ng mahigit P2 trillion para pondohan ang bahagi ng panukalang P5.768 trillion national budget para sa susunod na taon.

Batay kasi sa data mula sa Budget of Expenditures and Sources of Financing for Fiscal Year 2024 ng Department of Budget and Management (DBM), lumalabas na ang borrowing program sa 2024 ay pumapalo sa P2.46 trillion, mas mataas kumpara sa P2.207 trillion borrowing program para ngayong taon.

Binubuo ito ng P606.85 billion para sa gross external borrowings at 1.853 trillion gross domestic borrowings.



Magmumula ang panlabas na utang para sa 2024 mula sa P295.845 billion program loans, P36.005 billion project loans at P275 billion bonds at other inflows.

Habang ang panloob na utang naman ay kukunin mula sa P51.05 billion treasury bills at P1.802 trillion fixed rate treasury bonds.

Paliwanag naman ni DBM Undersecretary Joselito Basilio sa Palace briefing na ang borrowings ng bansa ay katumbas ng 11% ng kabuuang pondo na consistent pa rin sa medium term fiscal framework ng Marcos administration. (Mula sa Bombo Radyo)