Advertisers
TIMBOG ang isang bigtime drug pusher sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon Police Intelligence Branch at ng Lucena City PNP Drug Enforcement Unit sa barangay Ibabang Dupay, Lucena City Sabado ng tanghali, Oktubre 24.
Kinilala ang nahuli na si Luigi Mogol alyas Mata, 34, residente sa nasabing barangay.
Nakuha sa pag-iingat ni Mogol ang 19 sachet ng shabu na may street value na P521, 424.
Inihahanda ang kasong isasampa laban kay Mogol.(PFT team)