Advertisers
IPINAHAYAG ng State Weather Bureau na pumalo ang heat index sa Casiguran, Aurora sa record-breaking 60°C nitong Lunes.
Ito rin ang ika-apat na sunod na araw na naitala sa bayan ang “extremely dangerous” heat indices na hindi bababa sa 53°C.
Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bababa ang heat index sa bayan ng Aurora sa 50°C sa susunod na dalawang araw.
Huling naitala ang pinakamainit na temperatura sa bansa na 53°C noong May 24 sa San Jose, Occidental Mindoro.
Tumutukoy ang heat index sa “temperature that the human body feels when relative humidity is combined with the actual air temperature.”
Itinuturing ang temperatura na 52°C o higit pa na nasa “extreme danger”, nangangahuluhan ng banta ng heat stroke.
Samantala, 16 pang lugar ang nakapagtala ng heat indices mula 42°C hanggang 45°C – sa ilalim ng “danger” level.