Advertisers
LUMUBOG ang isang yate sa Bauan, Batangas dahil sa malalaking alon dulot ng bagyong Quinta.
Sa ulat, walo ang sakay ng yate na Ocean Explorer 3 kungsaan nasagip ang pito habang patuloy na pinaghahanap ang isa pa.
Ayon sa Philippine Coast Guard, hinampas ng malalaking alon ang yate kaya ito lumubog.
Samantala, sumadsad naman ang MV Roro 12 sa Bonito Island, Tingloy, Maricaban, Batangas .
Ayon kay Commodore Armand Balilo, patungong Bonito Island na ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station sa Tingloy upang tulungan ang 5 tripulante na sakay ng Roro.
Nangyari ang dalawang magkahiwalay na insidente nitong Lunes ng umaga sa karagatan ng Batangas.
(Jocelyn Domenden)