Advertisers
PINAGHAHANAP ngayon ang 12 mangingisda na missing sa karagatan ng Catanduanes.
Ayon kay Office of Civil Defense – Region 5 Spokesman Gremil Alexis Naz, kumilos na ang OCD sa Catanduanes para sa search and rescue operation para mga nawawalang mangingisda.
Iniimbestigahan naman ng OCD kung bakit nakapaglayag pa ang mga mangingisda samantalang noong Sabado pa sila nag-abiso na hindi muna magpalaot dahil sa paparating na bagyo.
Inihayag ni Naz na aabot sa 12 bayan na sa Camarines Sur ang binaha kabilang na ang Del Gallego, Lagonoy, Lupi, Magarao, Milaor, Minalabac, Buhi, Bula, Pasacao at Pili.
Naitala naman ang landslide sa bayan ng Presentacion.(Mark Obleada)