Advertisers
SIMULA ngayon tatawagin nang Fernando Poe, Jr., (FPJ) Avenue Station ang Roosevelt Station ng LRT-1 sa EDSA, QC matapos pasinayaan nina Senadora Grace Poe, Senador Lito Lapid, dating Senate President Tito Sotto III, Cong. Arjo Atayde at Direk Coco Martin ng Batang Quiapo.
Si Senador Lapid ang may-akda at si Sen. Sotto ang nag-sponsor ng FPJ avenue law o ang Republic Act No. 11608.
Sa ambush interview, sinabi ni Lapid na hindi niya matatawaran ang naiambag ni FPJ sa industriya ng pelikula at sa bansa.
Binanggit din ni Lapid na ang kanyang ama ay stuntman noon ni FPJ hanggang sa kunin siyang stuntman na rin ni Da King.
Palaging sinasabi ng Senador na “walang Senador Lapid kung walang FPJ na nag-aruga at nagbigay break sa kanyang karera sa showbiz. (Mylene Alfonso)