Advertisers

Advertisers

Riders na gagamit ng bike lane…HUHULIHIN!

0 122

Advertisers

HUHULIHIN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle riders na gagamit ng bicycle lane sa kahabaan ng EDSA simula ngayong araw, Agosto 21.

Sa abiso ng MMDA, disregarding traffic sign violation at P1,000 na multa ang matatanggap ng rider na mahuhuling dumaraan sa naturang lane.

Ayon sa MMDA, hindi na magamit ng ilang bike riders ang lane na nakatalaga sa kanila dahil sa dami ng mga motorsiklong dumadaan dito.



Giit ng MMDA, ang bicycle lane ay inilaan para sa cyclists o nagbibisikleta, hindi para sa motorcycle riders.

Paliwanag pa ng MMDA, ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga nagmomotorsiklo.

Nabatid na base sa monitoring ng MMDA sa EDSA, maraming motorcycle riders ang dumaraan sa bicycle lane.