Advertisers
Nanawagan ang grupo ng Makabansa, isang malawak na alyansa ng mga mamamayan na ayaw sa digmaan at terorismo sa iba’t ibang lider ng ating bansa na sana ay itigil na ang anu mang mga pahayag na hindi makatutulong sa pagresolba ng mga usapin sa mga pinag-aagawaang teritoryo sa West Philippine Sea at maaring makakasira na magandang relasyon ng ating bansa sa bansang Tsina.
“Tingin namin, ang mga ganitong mga pahayag ay hindi makakabuti sa relasyon ng ating bansa sa Tsina at bagkus ay maaring magpalala lamang ng tensuon sa Asya Pasipiko, na maaring maging mitsa ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong sa isang digmaan na dapat natin iniiwasan. ” pahayag ni Nolan Tiongco, convenor ng Makabansa.
Dagdag pa niya, “Sa tingin namin, na mas makakabuti at makakatulong sa ating relasyon sa Tsina kung ito ay idadaan sa maayos na pakikipag-usap, ugnayan, at pagtutulungan para sa kapakanan ng buong lalung-laluna sa ating mga mangingisda at mga negosyo na lubhang naapektuhan at nababahala sa umiinit na tensyon sa rehiyon sa Asya Pasipiko.”
Nanawagan rin si Nolan Tiongco, sa mga kaukulang ahensya na bigyan ng atensyon at imbestigahan ang mga isinulat ni Ginoong Rigoberto Tiglao sa kanyang column sa Manila Times noong Agosto 7 at 9, 2023, na kung ito man ay mayroon batayan upang agad maresolba at malaman ang katotohanan sa pinag-aagawang Ayungin Shoal.
Sa pagtatapos, nanawagan sila sa isang mapayapang pamamaraan sa pagresolba ng mga usapin para sa kapanatagan ng kaisipan at kapakanan ng mamamayang Pilipino.