Advertisers

Advertisers

Marinong Pinoy nalaglag-patay sa barko

0 146

Advertisers

NASAWI ang isang Filipino seaman nang mahulog mula sa cruise ship na kanyang pinagtatrabahuhan habang nakadaong sa Port of Cromarty Firth sa Scotland noong Biyernes, Agosto 25.

 



Kinilala ng pulisya ng Scotland ang nasawi na si Wenceslao Esguerra Donasco.

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na namatay si Donasco nang ma-secure ang gangway ng barko mula sa deck 2 at tumama sa gilid ng pier.

 

Dinala siya sa Aberdeen Royal Infirmary sa pamamagitan ng air ambulance sa Invergordon kungsaan idineklara siyang patay ilang oras pagkatapos ng insidente dahil sa mga natamo niyang pinsala.



 

Ang mga tripulante ng Viking Mars, ang barko kungsaan nagtrabaho si Donasco bilang isang seaman/firefighter ay nagpaabot naman ng pakikiramay sa pagpanaw ng biktima.