Advertisers

Advertisers

Sibakan umarangkada sa Rizal PNP!

0 898

Advertisers

AGAD na sinibak sa pwesto ang dalawang hepe ng pulisya ni Rizal PNP Provincial Director, Colonel Rainerio de Chavez, nitong Lunes.

Itinalagang kapalit bilang hepe ng Pililla Police si Major Marinell Fronda, kapalit ng sinibak na si Major Florante Yu.

Habang bagong hepe ng Teresa Police si Major Edzel Macasero, kapalit ng tinanggal na si Major Marlo Camantigue.



Ang turn-over ceremony ay pinangunahan ni Deputy Rizal PNP Provincial Director, Col. Roderick Tonga, sa direktiba ni de Chavez.

Inaasahang magpapatuloy pa sa mga susunod na araw ang sibakan sa hanay ng mga chief of police na “natutulog na sa kangkungan”.

Si Col. de Chavez ay dating PNP Provincial Director ng Batangas. (Edwin Moreno)