Advertisers

Advertisers

Planong joint military exercises sa pagitan ng PH-China malabo – AFP Chief

0 104

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawne na malabo ng matuloy ang planong joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito ay kasunod ng tensiyon sa bahagi ng West Philippine Sea partikular ang insidenteng pag-water canon ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas.

Noong buwan ng Hulyo inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alok ng Beijing na joint military exercises.



Inihayag naman ng National Task Force on the West Philippine Sea na walang visiting forces agreement ang China at Pilipinas.

Ayon kay Brawner, ang mga joint military drills sa pagitan ng ibang bansa ay kanilang kinukunsiderang “partners” gaya ng United States, Japan, at Canada at magpapatuloy ito.