Advertisers
NALAMBAT ang isang mangingisda na nakatala bilang most wanted sa kaso ng illegal na droga sa manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, Linggo ng hapon.
Kinilala ng hepe ng Navotas Police na si Colonel Mario Cortes ang naarestong akusado na si Hailde Monzales, 46 anyos, ng Market 3, NFPC, Barangay NBBN, Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director, BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan ng Navotas Police ng manhunt operation kontra wanted persons.
Hindi na nakapalag ang akusado nang arestuhin ito ng mga pulis sa Tahungan St., Pier 4, Brgy. NBBN sa bisa ng isang warrant of arrest.
Ayon kay Col. Cortes, may nakabinbing warrant of arrest si Monzales mula kay Presiding Judge Ronald Q. Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para sa iligal na droga. (Beth Samson)