Advertisers
PINAGTATAGA ang isang prinsipal sa gitna ng mga aktibidad ng Brigada Eskwela sa bayan ng Ipil, Sibugay, Sabado ng umaga.
Sa ulat, nagalit ang 73-anyos na salarin nang matuklasan niyang hindi siya makakadaan sa paaralan, isang rutang dinadaanan niya araw-araw para makarating sa kanyang tahanan.
Hindi siya pinayagan ng prinsipal na dumaan sa paaralan at iminungkahi na dumaan nalang sa ibang ruta. Dito nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa pananaga.
Nagtamo ng mga sugat sa ulo at tiyan ang 46-anyos na biktima nguni’t nasa stable na kondisyon.
Agad pinigil ng mga volunteer ng Brigada Eskwela ang salarin.
Sinabi ng salarin na hindi siya nirerespeto ng biktima, nguni’t pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa at gusto niyang humingi ng tawad dito.