Advertisers
DALAWANG kandidato sa pagka-barangay chairman ang pinaslang sa unang araw ng pagsumite ng Certificate of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Ekections nitong Lunes.
Nasawi sa pamamaril ang kakandidato sana sa pagka-chairman sa isang barangay sa Midsayap, Cotabato nitong Martes ng umaga, August 29, 2023.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Haron Dimalanes dahil sa mga tama ng bala sa ulo.
Binaril si Dimalanes sa municipal government compound habang pababa ng sasakyan upang mag-file sana ng CoC sa pagka-chairman ng Barangay Malingao, isang liblib na lugar sa Midsayap.
Si Dimalanes ay binaril gamit ang .45 caliber pistol. Agad tumakas ang salarin gamit ang motorsiklo.
Samantala, hindi na pinagbigyan makabalik pa sa puwesto ang isa pang punong barangay na katatapos lamang mag-file ng CoC nang tambangan at pagbabarilin ng nitong Lunes sa bayan ng Albay.
Kinilala ang biktima na si Punong Barangay Alex Repato, 51 anyos, ng Barangay San Jose.
Sa report ng Libon Municipal Police Station, 5:50 ng hapon nang maganap ang krimen.
Katatapos lamang mag-file ng biktima ng CoC sa tanggapan ng Comelec sa Centro Poblacion, at habang papauwi ay tinambangan at pinagbabaril ito ng riding in tandem na kaagad tumakas.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon at pangangalap ng ebidensiya ng pulisya sa krimen.