Advertisers
TAHASANG inamin ng Department of Justice (DOJ) na talagang mahirap matukoy ang eksaktong lokasyon ni dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag dahil sa lawak ng mga network of friends at associates nito.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi maikakaila na miyembro si Bantag ng PNP Class 1996.
Ito aniya ang dahilan kung bakit marahil ay marami itong kaibigan na nagtatrabaho sa Police Force.
Naniniwala rin ang kalihim na posibleng tinutulungan ng ilan sa mga ito si Bantag sa kanyang kinakaharap na kaso.
Paliwanag pa ni Remulla, mahirap ang trabaho ng kanilang ahensya ngunit siniguro nito na hindi sila susuko hangga’t hindi nahuhuli si Bantag.
Kinakailangan rin talaga aniya ng mahabang pasensya bago makamit ang inaasam na resulta.