Advertisers
PUMALO na sa 530,0449 ang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, naitala ang bilang mula Agosto 28 hanggang 29.
Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Election (Comelec), sa 42,001 na posisyon bilang barangay chairman, 41,074 dito ay nagsumite na ng COC.
Nasa 290,107 ang naghain ng COC para sa Sangguniang Barangay.
Para naman sa Sangguniang Kabataan, umabot sa 32,522 ang naghain para sa SK Chairman habang nasa 166,746 ang nakapaghain sa SK Kagawad.
Kahapon ay nasa ikatlong araw na ang paghahain ng COC at tatagal ito hanggang September 2, 2023.