Advertisers
NATAGPUANG patay ang isang misis at dalawang anak, kabilang ang 5-buwan sanggol na lalaki, nang pagtatagain ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Pupua, Catbalogan City, Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Rea Oreo, 26 anyos; at dalawa ng anak na 3-anyos na babae; at 5-buwan pa lang na lalaki.
Sa ulat, natagpuang duguan at wala nang buhay ang mag-iina ni Edito Candiz, kinakasama ni Oreo at ama ng dalawang bata, sa labas ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Pupua.
Ang bahay ng mga biktima ay may 200 metro ang layo mula sa main road.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Catbalogan City Police, pinatay sa taga ng gulok si Oreo at ang kanyang mga anak.
Sinasabing iniiwan ni Candiz ang kanyang mag-iina sa bahay para mamasada ng pedicab. Pag-uwi niya nadatnan ang kanyang mag-iina na pawang patay na.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.