Senado tuloy parin ang imbestigasyon sa revised travel guidelines kahit sinuspinde muna ito ng IACAT
Advertisers
ITUTULOY pa rin ng Senado ang imbestigasyon kaugnay sa bagong guidelines na inilabas ng IACAT (Inter-Agency Council Against Trafficking) on Departure Formalities for International-Bound Filipino Passenger sa kabila ng pagsususpinde ng Department of Justice sa pagpapatupad nito.
“So isu-suspend muna nila, but at the same time, they have to explain to us how did they come up with these guidelines. Ano ba ang pagbabasehan nila dito sa mga guidelines na ito?” pahayag ni Zubiri sa isang press conference.
Kabilang sa mga tatalakayin sa pagdinig ay kung paano tutugunan ng gobyerno ang human trafficking nang hindi nagpapataw ng mahigpit na alituntunin sa lahat ng papalabas na pasahero.
“What are the reasons why you have these guidelines? Alam po natin to combat human trafficking but there are ways of doing it. Why don’t we target the illegal recruiters, why don’t we target the human trafficking syndicates? Yan ang kailangan gawin,” sabi ni Zubiri.
Kaugnay nito, pinuri ni Zubiri si Justice Secretary Crispin Remulla dahil sa desisyon na suspendihin ang binagong travel rules para sa mga Pinoy traveller.
“I am thankful to the Secretary for heeding the suspension calls of the Senate and maybe, we can have further discussions on the succeeding hearings to come particularly on the issue on travel guidelines,” saad pa ng Pangulo ng Senado.
Nais din ni Zubiri na malaman ang basehan ng IACAT na ginawa nilang pagbago sa travel guidelines para sa mga Pinoy na gustong magtungo sa ibang bansa.
“Ano ba ang pagbabasehan nila dito sa mga guidelines na ito?. Unang- una wala namang batas na nagsasabi na dapat magsubmit ka ng original birth certificate na magsubmit ka ng affidavit from the consular office of your destination. Wala namang batas na nagsasabi niyan,” patuloy pa ni Zubiri.
“So in the absence of law, we want to ask them on the basis for these added requirements for Filipinos to travel abroad,” dagdag pa niya.
Matatandaang noong Miyerkules, nagbigay ng privilege speech si Zubiri sa bagong IACAT guidelines kung saan pinipigilan nito ang karapatan ng mga Pilipino sa paglalakbay at ang mga bagong pabigat na alituntunin ay maaaring magdala lamang sa katiwalian. (Mylene Alfonso)