Advertisers

Advertisers

Estudyanteng sinita sa checkpoint at binayaran ng pulis ang tuition nag-graduate na

0 255

Advertisers

TILA hulog ng langit para sa isang Grade 12 student ang pagkakasita sa kanila ng isang pulis sa checkpoint upang maka-graduate sa Gerona, Tarlac.
Ayon kay Eunie Subaran, “blessing in disguise” ang pagkakahuli sa kanila ni Master Sergeant John Hay Macapulay.
Sa ulat, hinarang ni Macapulay si Subaran sa isang checkpoint dahil bukod sa pareho silang menor de edad ang angkas na kapatid, wala rin suot na helmet at lisensya ang mga ito.
Nagmakaawa si Subaran, na sinabing pupunta lang sila sa kanyang paaralan para saksihan ang graduation ng kaniyang mga kaklase. At sinabi pa nito kay Macapulay na hindi siya makakasama sa mga magsisipagtapos dahil may natitirang bayarin sa eskuwelahan.
Sa halip na tiketan, sinamahan nalang mismo ni Macapulay si Subaran sa paaralan at binayaran ang utang na P4,000 ng estudyante. Kung kaya’t nakapagtapos si Subaran na may tinanggap pang karangalan sa paaralan.
Ayon kay Macapulay, pinagdaanan din niya ang problema ni Subaran kaya nagpasya siyang tulungan ito upang maabot ang pangarap na maging isang guro.(PTF team)