Advertisers

Advertisers

COMMITTEE REPORT SA PAGDINIG NG AGRICULTURAL SMUGGLING AT HOARDING INILABAS NA NG SENADO

0 59

Advertisers

Nilabas na ng Senate Committee on Agriculture ang Food na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar katuwang ang Committee on Justice at Committee on Finance at Ways and Means Committee ang report nito tungkol sa isyu ng agricultural smuggling sa bansa.

Sa ilalim ng Committee report 118, nirerekomenda ang pag repeal sa Republic Act 10845 at pagkonsidera sa Senate Bill 2432 kung saan sa ilalim ng panukala ay mas idedetalye ang mga krimen at okasyon na maikokonsiderang agricultural economic sabotage.

Nakapaloob dito na bukod sa agricultural smuggling ay maituturing na rin na economic sabotage ang hoarding, profiteering at cartel kung ang halaga ng masasangkot na produktong pang agrikultura ay aabot ng isang milyong piso pataas.



Ang mga lalabag sa ipinapanukalang batas ay makukulong ng walang piyansa at papatawan ng multa na katumbas ng tatlong beses na halaga ng smuggled fishery at agricultural products.

Ang mga empleyado naman ng gobyerno na masasangkot sa mga economic sabotage acts ay paparusahan ng perpetual disqualification mula sa pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno, aalisan ng karapatang bumoto, pakikibahagi sa eleksyon at aalisan ng monetary benefits.

Para maipatupad ng maayos ang panukalang batas, bubuuin ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na pamumunuan ng Pangulo o kanyang kinatawan.

Kasama rin sa Council ang:

a) Department of Agriculture (DA)
b) Department of Trade and Industry (DTI)
c) Department of Justice (DOJ)
d) Department of Finance (DOF)
e) Department of the Interior and Local Government (DILG)
f) Department of Transportation (DOTr)
g) Anti-Money Laundering Council (AMLC)
h) Philippine Competition Commission (PCC)



Gayundin ang mga mga representative din ang mga sumusunod na sektor:
i) Sugar
ii) Rice and Corn
iii) Livestock and Poultry
iv) Vegetables and Fruits
v) Fisheries and other aquatic products; and
vi) Tobacco

Bubuo rin ng special court na mas mataas sa Regional Trial Court (RTC) na tututok lang sa mga kaso ng economic sabotage at inalis na sa Bureau of Customs ang tungkulin na magsampa ng kaso.

Ayon kay Senate Committee on Agriculture ang Food Chairperson Senadora Cynthia Villar kumpiyansa siyang sa pamamagitan ng batas na ito ay magkakaroon na ng prosecution o may mapaparusahan na ng dahil sa smuggling, hoarding, at cartel ng mga agricultural products.

Inaasahan aniyang maipasa ang panukalang batas sa senado bago ang break ang sesyon sa katapusan ng Setyembre. (CESAR MORALES)